Monday, August 28, 2023

BALITA | Suporta ng Komunidad sa BE 2023, Patuloy!

  

TULONG-TULONG: Sama-samang paglilinis ng miyembro 4Ps Dulong Bayan sa paaran bilang pakikibahagi sa PCHS BE 2023. -kuha ni G. Antonino A. Dagta

Mar Z. Holanda | Ang Punong Pitogo | Tomo I, Bilang 1 - Brigada Eskwela 2023

Patuloy sa pagsuporta ang mga tagapagtangkilik mula sa iba't ibang sektor ng lipunan sa programa ng Pitogo Community High School Brigada Eskwela (BE) 2023.

Sa kasalukuyang pagsasagawa ng BE sa mga paaralan na may temang "Bayanihan para sa Matatag na Paaralan" ay agad namang tinugunan ng mga katuwang ng paaralan mula sa komunidad.

Lubos naman ang pasasalamat ng pinuno ng paaralan at mga tagapag-ugnay ng BE 2023 at mga guro ng paaralan sa walang humpay na pakikiisa ng mga ito para sa paghahatd ng ligtas at dekalidad na edukasyon para sa mga batang Pitogohin at patuloy na hinihikayat ang iba pa na makiisa sa paghahanda sa TP 2023-2024.

0 comments:

Post a Comment