Monday, August 28, 2023

BALITA | Lagda ng Pakikiisa, Programa para sa BE 2023

  


PAGHAHANDA: Pagbibigay mensahe ni Gng. Rosario M. Bulfa, opisyal na tagapamahala ng paaralan sa pagpupulong tungkol sa paghahanda ng paaralan sa darating na pasukan lalo't higit sa mga plano para sa Brigada Eskwela 2023 -kuha ni G. Antonino A. Dagta


Antonino A. Dagta | Ang Punong Pitogo | Tomo I, Bilang 1 - Brigada Eskwela 2023

Nabuo ang proyektong Lagda ng Pakikiisa sa isinagawang pagpupulong ng mga guro ng PCHS hinggil sa pagsisimula ng taong panuruan (TP) 2023-2024 na ginanap sa silid ng baitang 7 pangkat Chastity noong Agosto 4, 2023.

Sa pangunguna ng dalawang tagapag-ugnay mula sa Dyonyor Hayskul at Senyor Hayskul na sina G. Antonino A. Dagta at Gng. Analaine T. Roldan kanilang iminungkahing na magkaroon muli ng proyekto sa pagsasagawa ng programa para sa BE 2023.

Matatandaang ang proyektong "Susian ng Pakikiisa" ay matagumpay na naisagawa sa nakalipas na taong-panuruan para sa paghahatid ng ligtas at maayos na kapaligiran para sa paaralan sa pangunguna rin ng mga masisipag na tagapag-ugnay at nakalipas na punong-guro ng paaralan. Dr. Peter Andrew G. Regencia.

Kapareho ng layunin nito ang bagong proyekto na nakasentro sa pagbibigay ng kondusibong kapaligran at masiguro ang mataas na kalidad ng edukasyon sa paaralan sa pamamagitan ng tulong at pakikiisa ng komunidad, organisayon at indibidwal sa mga proyekto ng paaralan.

Samantala, isinagawa ang paglagda ng mga tagapagtangkilik o katuwang ng paaralan sa ginanap na Kick-off Ceremony noong Agosto 14, 2023.

0 comments:

Post a Comment