Monday, August 28, 2023

BALITA | BASTA'T SAMA-SAMA, KAYANG-KAYA: Gng. Bulfa sa Ginanap na PCHS BE 2023 Panimulang Seremonya

  


KAMAO NG PAGKAKAISA: Sama-samang pagtanggap sa hamon ng pakikibahagi ng mga stakeholdes mula sa iba't ibang sektor ng lipunan ng bayan ng Pitogo kasama sina Gng. Rosario M. Bulfa, Opisyal na Tagapamahala ng Paaralan at sina Gng. Analaine T. Roldan at G. Antonino A. Dagta, Tagapag-ugnay ng Brigada Eskwela ng Paaralan sa ginanap na Seremonya ng Pagsisimula ng BE 2023 sa Pitogo Community High School. -kuha G. Arvie M. Villarosa

Mar Z. Holanda | Ang Punong Pitogo | Tomo I, Bilang 1 - Brigada Eskwela

Masayang Hinamon ni Gng. Rosario M.Bulfa, Opisyal na Tagapamahala ng Paaralan ang lahat ng dumalo at nakibahagi sa isinagawang Brigada Eskwela (BE) 2023 Kick-Off Ceremony ng Pitogo Community High School (PCHS) noong Agosto 14, 2023.

Sa kaniyang pagbibigay ng mensahe, ipinahayag ni Gng. Bulfa ang kaniyang pasasalamat at hamon sa mga stakeholders at indibidwal na katuwang ng paaralan sa paghahanda para sa pagsisimula ng taong panuruan 2023-2024.

Aniya, hindi magiging matagumpay ang nakalipas na taong-panuruan kung hindi dahil sa parehong internal at external stakeholders.

Nagbigay rin ng kani-kaniyang mensahe ang mga dumalong panauhin mula sa iba't ibang sektor ng lipunan upang ipahayag ang kanilang suporta sa paaralan.

Matapos maisagawa ang panunumpa ng pakikibahagi sa PCHS Brigada Eskwela 2023 ng mga stakeholders isa-isa ring lumagda ang mga ito sa "Lagdaan ng Pakikiisa" na bahagi ng programa ng PCHS BE 2023.

Samantala siniguro naman ni G. Antonino A. Dagta, BE Koordineytor ang ligtas at makabatang kapaligiran bago magsimula ang mga klase sa paaralan at ito ay sa tulong ng mga tagapagtangkilik.

Sa huling bahagi ng programa ay nagsagawa ang mga guro, kawani at stakeholders ng isang motorcade bilang paalala sa komunidad ng pagsisimu;la ng BE 2023 sa PCHS.

0 comments:

Post a Comment