Tuesday, August 29, 2023

,

TINGNAN | Pitogo Community High School sa Pagsisimula ng Taong Panuruan 2023-2024

 


Pitogo Community High School (PCHS) sa Pagsisimula ng Klase para sa TP 2023-2024

  • Mar Z. Holanda | August 29, 2023

Ligtas at matagumpay na pagsalubong ang ibinigay ng Pitogo Community High School (PCHS) sa mga mag-aaral sa unang araw ng klase - Agosto 29, 2023

Pagkatapos ng unang flag-raising ceremony para sa taong panuruan 2023-2024 ng PCHS, sinalubong ng mga guro at kawani ng paaralan ang mga mag-aaral sa pagbabalik-eskwela para sa bagong panuruan.

Nagbigay ng mensahe si Gng. Rosario M. Bulfa, opisyal na tagapamahala ng paaralan hinggil sa ilang bagay na dapat panatilihin upang maging maayos at produktibo ang maging bunga ng buong taong punuruan.

Ibinahagi ng ina ng paaralan sa mga mag-aaral na laging kumilos nang ayon sa kagustuhan ng diyos, ano ang makakabuti sa para sa kanila bilang mag-aaral, at gawing makabuluhan ang bawat oras sa mga gawaing pampaaralan.

Bilin rin niya sa mga mag-aaral, “Gawin ninyo ang inyong responsibilidad bilang isang mag-aaral, responsibilidad bilang kabataan ng ating komunidad at responsibilid ninyo sa inyong tahanan.”

Samantala isa-isa ring ipinakilala ang mga guro sa mga mag-aaral nang sa gayon ay maging pamilyar ang mga ito at makilala ang mga tagapayo ng bawat pangkat sa bawat antas ng kurikulum sa paaralan.

Dumating din at nagbigay ang kapulisan mula sa Pitogo Municipal Police Station ng ilang paalala upang mapanatiling ligtas ang mga mag-aaral sa anumang posibilidad ng krimen gaya ng pagnanakaw. Ani ng kapulisan, iwasan magdala ng mga gamit na mainit sa mata ng mga kawalan nang sa gayon ay hindi sila mapahamak.

Bago matapos ang programa para sa unang araw ng eskwela nag-iwan si Gng. Bulfa ng pagganyak na pahayag sa lahat. Saad niya, “Piliing ngumiti, piliing magmahal, piliing maging mabuti, piliing maging masaya at siyempre piliin maging ikaw!”

Sa mga silid-aralan kani-kaniya nang oryentasyon ang mga tagapayo ng paaralan at sinimulan na rin ang pagtuturo sa mga nananabik na mag-aaral ng taong-panuruan 2023-2024. #










0 comments:

Post a Comment