Monday, September 4, 2023

, ,

BALITA | Positibong Komento, Natanggap ng PCHS mula sa isinagawang DFTA at OBE Monitoring

 Positibong Komento, Natanggap ng PCHS mula sa isinagawang DFTA at OBE Monitoring 

  • Mar Z. Holanda | Setyembre 4, 2023

Matagumpay na bumisita at nagbigay ng Technical Assistance (TA) sina ASDS Herbert D. Perez at EPS Fernando T. Seño ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) Sangay ng Quezon sa Pitogo Community High School (PCHS) upang masubaybayan ang pagsasagawa ng Oplan Balik-Eskwela (OBE) sa paaralan noong biyernes – Setyembre 1, 2023.

Sang-ayon sa Pandibisyong Memorandum ng DepEd Quezon bilang 691 serye 2023, magsasagawa ng pagbisita ang naturang ahensya sa mga paaralan sa Quezon, partikular ang mga nasa Division Field Technical Assistance (DFTA) Team na kinabibilangan nina ASDS Perez at EPS Seño upang tingnan ang mga paaralan sa ikatlong distrito ng Quezon hinggil sa pagsisimula ng klase sa mga paaralan.

Sa pag-iisa-isa ng mga bisita sa paaralan nakita ng mga itong naaayon sa mga polisiya ng Kagawaran ang implementasyon ng paaralan sa pagsisimula ng klase lalo na ang mga silid-aralan na mainit na pinag-uusapan ngayon sa sektor ng edukasyon dahil sa bagong mandato ng kalihim ng edukasyon VP Sara Z. Duterte-Carpio hinggil sa pagtanggal ng mga dekorasyong nakakagambala sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

Pinuri din ng DFTA Team ang preparasyon at pagsasaayos ng paaralan at ayon sa kanila'y maaari itong maging susugugan ng ibang paaralan sa distrito sa pamamagitan ng benchmarking activity.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay nakatanggap ng 11 milyong halaga ng pondong ginamit para sa pagsasaayos ng mga silid-aralan sa pamumuno ng dating punungguro ng paaralan, Dr. Peter Andrew G. Regencia.

Masaya naman si Gng. Rosario M. Bulfa, opisyal na tagapamahala ng paaralan (OIC) sa narinig na mga positibong komento mula sa mga opisyal ng DepEd Quezon.

Aniya, "Maswerte ang PCHS dahil maraming biyayang natanggap ang paaralan na nakatulong upang maayos at agad nakatugon sa hinihingi ng Kagawaran ng Edukasyon" pahayag ng OIC.

Bilin naman ng mga bumisitang opisyal na alagaan ang mga bagong gawang silid-aralan upang mapanatiling kondusibo ang mga klasrum na nakatutulong sa epektibong proseso ng pagtuturo at pagkatuto.

Kasama rin ng mga bisita mula sa Deped Quezon sina Tagamasik Pampurok Meriam C. Camposano, School Head-in-charge for Governance and Operations (ShiGO) at Punungguro II Janette Abanador, District Nurse Chiqui Serafica at Tagapag-ugnay sa Impormasyong Pandistrito (DIC) at Learners' Information System (LIS) Aldwin A. Forbes sa pagsubaybay sa nasabing paaralan.












0 comments:

Post a Comment